PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

ANG ATM CARD....BOW!

Taong 2010 may isang kliyente kami na ang trabaho ay seaman.  Minsan nakita daw niya sa internet ang Pakisuyo website at nakatuwaan niya itong ibrowse.  Nag fill up siya ng form sa online at inilagay ang kanyang request na " PAKICANVASS ako ng isang second hand car.  Siya nun ay nasa bansang Inglatera dahil dumaong dun ang kanilang cargo vessel. Nakareceive siya ng response via email at tinanong ng pakisuyo ang maraming bagay para maconfirm ang kanyang errand katulad ng budget limit, anong modelo, manual ba o automatic at cash ba o instalment.  Sabi niya sa amin padalhan namin siya ng mga tatlo hanggang limang option.  Hayun nagkasaraduhan kami at after 5 days ipinadala namin sa kanyang email ang mga pictures , presyo, terms at specifications ng mga 2nd hand cars na puwede niyang pagpilian.  Ibinigay din namin ang pangalan ng Car Dealer pati mga contact numbers.  Nagbayad siya via Western Union ng aming service fee at dun natapos ang aming paki canvass na transaction. 


Akala namin tapos na kami sa kanya.  After one and a half month nakatanggap kami ng tawag sa kanya at tinatanong niya kung puwede daw magpasama at puwede din daw bang magpahanap ng isasama na mekaniko. Siempre nagulat kami yun pala dumating na siya sa bansa at siya pala ay taga Dasmarinas, Cavite. Pumunta siya sa aming Pakisuyo Dasma office at dun ay nagfinalize  ng kanyang mga errand  tulad ng : 1. Samahan namin siya sa Car Dealer dahil nagb usap na raw sila nung sales man  2. Magdala daw kami ng mekaniko para mapa check na namin kung ok ang sasakyan na gusto niyang bilhin - isang 2000 model na Honda CRV.


Tinungo namin ang Car shop at pagkatapos ng ilang oras ay nagkapirmahan na ng Deed of Sale. Nag down siya ng P 200,000.00 at babayaran niya ng instalment ng balance good for two years. Nag issue siya ng postdated checks sa Car Dealer . Nagpasalamat siya sa amin at  kami na rin ang  nag uwi ng kanyang bagong sasakyan sa kanyang tirahan.  Binayaran niya kami ng aming serbisyo at nagkapaalaman ng maayos. Sabi niya sa mga staff ng pakisuyo - - "maasahan ko talaga kayo". 

After 2 months, nakatanggap na naman kami ng tawag mula sa knaya at nakipag appointment sa mismong may ari  ng Pakisuyo Center.  Meron daw siyang isang errand request at hindi niya alam kung ito ay aming tatanggapin.  Nkaipag usap siya sa may ari ng Pakisuyo Center at isang nakakataba ng pusong errand requets ang kanyang inilapit sa amin,  Siya daw ay babalik na sa kanyang trabaho. Ang kanyang asawa pala ay sea woman din at halos tuwing pasko lang sila nagkikita dahil naisasabay nila at naitutugma ang kanilang mga bakasyon.  Meron daw siyang kamag anak  na pinag iwanan noon ng kanayang ATM pero ayaw na daw niya ulit makipagsapalaran. Nung araw daw ay iniwan niya ang kanyang ATM at nagpapawidraw ng mga specific budgeted amount para sa  kanyang mga magulang at anak pero pag uwi niya - yung budget o amount na kanyang pinapa widraw ay na widraw naman ng sobra sobra. Sa kanyang ATM pala pumapasok ang lahat ng kanyang sahod at kanyang natuklasan na halos sobra sa kalahati ng kanyang monthly salary ang nawala dahil winaldas ng kanyang pinagkatiwalaan.  Ayaw na raw niya itong maulit.


Heto ang request niya sa Pakisuyo Center : dahil daw alam naman namin ang kanyang naging transaction sa pagbili ng sasakyan at alam namin na meron siyang binabayaran na mga tseke , puwede daw ba na kami ang magdeposito ng pondo sa bangko? At para magawa ito ay sa amin iiwanan ang kanyang ATM, kami ang mag wiwidraw at yun ay aming idedeposito para magood ang lahat ng papasok niyang mga tseke.  Sa madaling salita, ipagkakatiwala niya sa amin ang kanyang ATM na naglalaman ng halos P 70,000.00  buwan buwan.  Nung una kami ay nag isip at ito ay aming hindi tinanggap dahil masyado itong delikado para sa amin ngunit siya ay nagpumilit.  Gumawa kami ng kasulatan kasama na ng kanyang mga instructions. Tinanggap din namin pagkatapos makapag isip na siguro talagang may tiwala na siya sa amin o talaga lang wala na siyang maasahan na iba. Sabi niya, may legal kayong opisina, alam ko na ang tirahan ng may ari at nakita ko na maganda ang pakikitungo ninyo sa customers kaya kumbinsido ako na kayo ang makakasagot sa aking problema or else tatalbog lahat ang tseke ko.


Buwan buwan ganun nga ang aming ginagawa, iwiwidraw sa ATM ang pangdeposit para sa mga tsekeng na issue ng aming kliyente . Pagkalipas ng 9 months dumating siya. Katulad ng ibang kliyente, ginawan namin ng report ang lahat ng transactions sa kanyang ATM  kasama na ang lahat ng withdrawal sips at naiturn over namin ito sa kanya ng maayos. Natuwa siya at nagsabing babalik bago mag Sabado.  Lingid sa aming kaalaman, si Client ay pumunta sa kanyang bangko at humingi ng Bank Statement. Kanyang nireview isa isa at nakita niya ang malinis na minsanang inquiry at withdrawal per month. Walang illegal withdrawals o illegal deposits na nangyari sa pagitan ng panahon na naibigay niya sa Pakisuyo Center ang pamamahala ng kanyang personal na ATM.  Bumalik siya sa aming Center bago mag Sabado sabay abot ng mga tsokolate at alak bilang pasasalamat daw sa pagtitiwalang hindi matatawaran.  BInayaran na daw niya ng buo ang kanayang obligasyon sa bangko dahil ang hindi daw nagalaw na pondo niya sa ATM ay kasya na para mabayaran na ito ng buo.   Ngayon siya ay isa sa aming very loyal na customer at sa katunayan kinuha niyang ninong ang aking bunsong anak para sa kanyang panganay na anak .


Isang kuwento ng pagtitiwala, isang kuwento ng pagsisilbi.... mga kuwentong ganito ang patuloy na nag iinspire sa amin para maipagpatuloy ang pagsislbi sa aming mga kapwa Pilipino... dito man sa Pilipinas o kahit na sila ay nasa ibang bansa.   Pauulit ulit naming sasabihin.... sa pagtitiwala sa kapwa mas nagiging magaan at masaya ang mundong ating ginagalawan...