PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

A VALENTINES DAY SURPRISE

Isang errand request ang aming natanggap last  week of January 2012. Ang nagpapakisuyo ay isang documentation customer na namin last year at ang bago niyang pakisuyo ay ang pag surpresa sa kanyang girlfriend sa mismong valentines day.  Nagpahanap siya ng isang magaling na singer, isang grupo ng dancers, nagpabili ng pang handa para sa okasyon at siempre hindi mawawala ang magarang bouquet para sa kanyang pinakamamahal. Hindi lang yun..mga fresh rose din para sa bawat miembro ng pamilya ng kanyang iniirog. Isang linggo bago ang activity ay grabe ang updating na ginagawa ng aming client with our Marketing Officer. Simula sa pagkilatis sa boses ng aming nakuhang singer, galing sa pagsayaw at face value ng aming mga group dancers...buti nakapasa sila sa panlasa ng aming Client from Canada.Bago magtanghali ng Valentines day ay tumulak na ang aming Pakisuyo Team sa destination for our "MISSION HEARTS DAY!" 

Walang kamalay malay ang aming "target" sa ipinahandang surprise sa kanya.  Binigyan kami ng isang insider sa pamilya bilang aming kakutsaba (at ang client namin din mismo ang nagrequest na makipag colaborate ang insider sa amin).  - ang kapatid ng  kanyang girlfriend ang inisder at siya ang nagsilbing guide namin for the mabilisang set up sa kanilang salas. Ginawan niya ng paraan na ang kanyang kapatid ay magtagal sa itaas ng knailang bahay para magkaroon kami ng enough time sa pag ayos ng kagamitan para sa MISSION HEARTS DAYS! Para maisagawa na ang aming espesyal na pagtatanghal..

Isang mesa at upuan  ang amin dala dala with matching candle and flower vase at siempre isang guwapong waiter  na siyang mag aasikaso ng munting salu salo.  Inilabas namin ang mga  dalang pang hnada at matiyaga na kaming nagtago sa ibaba para sa surpresa...para sa pinakamamahal na girlfriend ng aming client..  

Pinatay namin ang ilaw, nagtago ang kapatid, kami at siempre pati na rin ang mga magulang (na nadiscover nila na may activity pala kaming gagawin after na sabihin ng kapatid dahil nga sa nakita nila kaming nakikiaalam na sa  pag aayos sa kanilang salas).

Pagbaba ng dalaga.......surpresang di inaasahan ang kanyang nakita.........

nka dim  light na salas  with  romantic ambience ng kandlia, bulaklak, waiter at mga nakakalat na petals ng rosas sa sahig talaga namang halos di siya makapagsalita.....wala pa ring lumalabas....lahat pa rin ay nakatago....after few seconds narinig na lang namin siyang tumatawa, sumisigaw ng "ano ba ito????...Ben...ano na naman ito???? naku..ano ba ito????.... nasurprise siya at sigaw ng sigaw habang tumatawa at nagtatanong...ano ito??? ano na naman ba ito???? Then  bigla siyan nakarinig ng kanta.... pumasok ang singer...sinundan ng sayaw at ang pag play  ng  AUDIO MESSAGE ng aming client na talaga namang nagpa iyak sa kanya maging sa kanyang mga magulang at kapatid.  

Ang audio message with a song and dance background at talaga namang magpapatibok ng puso ng bawat makakarinig......may kilig at siempre luha ng kasiyahan dahil punumpuno ito ng pagka miss sa kanya at pagmamahal.........

The activity was indeed an occasion to remember.  Napaiyak ang dalaga pati ang mga magulang at kapatid dahil sa sobrang pagmamahal na naipakita, naipadama at naihatid ng aming Cleint di lamang sa kanyang girlfriend kundi maging sa kanyang buong pamilya.

Pagpapatunay na kahit nasa malayo siyang bansa....walang imposible sa pagpapadama ng pagmamahal sa isang minamahal......  sa aming client na si Sir Ben....thank you for trusting Pakisuyo. Its an honor doing such errands for you and your loved ones....we will be happy to serve your errands once again....isang karangalan ang mabigyan ng chance para maging daan para maiparating ang pagmamahal ng bawat pamilya......

At Pakisuyo - we  can say that we can really BRIDGE THE GAP between loved ones....breaking millions of distance...and no matter how far, there will always be WAYS and MEANS to do it....at isa na dito ang pagpaPAKISUYO sa amin.....