PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

THE FRUSTRATED WIFE IN HONGKONG

Isang email ang natanggap namin last  Sept 2007 nagpapahanap ng bahay at lupa. And sabi niya gusto niya sa bandang Cavite o Laguna at ang budget lang niya ay P 5,000.00 amortization per month. Ipa member ko raw siya sa Pag Ibig at babayaran daw niya ito within 10 years.  Naghanap kami ng low cost housing at ipinadala namin sa kanya ang aming canvass. Pumili siya then sinabi na sige ipapadala ko na lahat ng requirements and magpa reserve ka na.  We did the transaction with her within 3 days.  We told her  "ma'am wag po muna nating isara with the developer, kung puwede po sana ipa tripping muna natin anybody from your family".  I was surprised with her answer - "No need! Basta pag uwi ko diyan after two years magugulat na lang sila na may bahay na kami". rRamdam namin na may inis at galit ang kanyang email sa amin kasi may exclamatin marks at punumpuno ng tigas....We insisted and mentioned  to her na major investment ito kaya dapat ay magustuhan din ng family niya.  Sabi niya ulit "ok lang yun kasi magsasayang lang ako ng oras if gagawin pa natin yan. Wala na akong tiwala sa kanila. Once na malaman nila na may binabayaran ako eh pipilitin na naman  nila ako na sila na ang magbayad.... kumuha na rin ako nun pero kahit pala nagpapadala ako di nila binabayaran. Halos 7 years akong umasa at excited na may bahay na kami... yun pala wala akong dadatnan kaya hanggang ngayon nasa Blumnetritt pa pamiya ko kasama kami sa squatters sa gilid ng palengke". We stopped na sa pangungulit dahil ayaw na naming mahalungkat pa ang mga pangyayari na maaaring makakapagpasama pa ng kanyang kalooban.


This story made us cry kasi dun namin o na feel na ang mga kapamilya nating OFW ay buo ang pangarap para sa pamilya pero yung iba walang napapala kahit kayod kalabaw na sila.  With her statement, hindi na ako nagtanong pa. Now she is continuously paying at halos 3x ng 5k na amortization ang inihuhulog.  Basta't kausap namin  siya online ang lagi niyang tanong.... "ma'am...ano kaya ang bagay na sopa sa bago naming townhouse, anong bagay na tiles, etc..etc... ". She is too excited kasi alam niya sa pamamagitan ng Pakisuyo matutupad niya na sa wakas ang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya.  That strengthened our  desire to serve more OFW's kasi ang sarap ng pakiramdam kung may mga taong natutuwa sa serbisyo mo and I know this one of our noble missions .