PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

D U G T N G     B U H A Y

Last 2013, 2nd week of July may natanggap kaming inquiry kung magkano ang pagpick up ng item sa Manila then dadalhin sa Quezon City.  As a standard procedure, we requested them na mag fill up sila ng aming forms sa website (www.pakisuyo.com) para mabigyan namin sila ng complete quotation.  Umuulan noon ng malakas at iisa lamang ang natirang empleyado sa loob ng opisina dahil lahat ay nasa labas para sa kanlang araw araw na liaisoning activity.


Pagkatanggap namin ng inquiry ay mabilis namin itong sinagot at maya maya lamang ay nag confirm na ang client. Sinabi niya na puwede ba iting RUSH o URGENT dahil may hinahabol silang oras.  So what we did ay idineploy namin ang staff namin na nasa opisina para dagliang matugunan ang errand ng client.  Nagbigay siya ng instructions na " hanapin si Doctor XXXX sa Jose Reyes Memorial Hospital then sabihin lamang ang pangalan nila at alam na raw ni Doctor XXXX ang ibibigay sa kanya". Pagkatapos nun ay dalhin ang item sa Heart Center at magtungo lamang sa Room XXXX.  Mabilis kaming tumalima at isinakatuparan ang request ng client.  


Pagdating ng aming staff sa JOse Reyes, nagulat ang staff namin sa ibinigay ng Doctor. Isang cooler na maliit at inihabilin na bilisan ang pagdala sa Heart Center dahil kailangang-kailangan na raw ito.  Kitang kita sa mukha ng Doctor ang pag aalala. Binuksan niya ang cooler at ipinakita sa Staff ang laman ... ito pala ay dalawang bag ng dugo para sa pasyenteng nag aagaw buhay sa Heart Center.


Nag alanganin ang staff namin sa klase pala ng errand na na endrose sa kanya. Tumawag siya sa office at ipinaalam ang sitwasyon. Nung nalaman namin ang errand ay hinid kami nagdalawang isisp. Sinabihan namin ang staff na madaliin na ang paghatid para magamit na kaagad ang dugo. Di namin ma imagine kung anong klase ng pag aalala ng mga magulang ng pasyente.  After one hour tumawag sa amin ang ina ng pasyente at sobrang nagpapasalamat dahil nasa kanila na raw ang isasalin na dugo.  Umiiyak siya at sinabing tama pala siya ng nilapitan na tao. Inabutan niya ng bayad na service fee ang staff namin at nag ipit ng isang libong piso para pasasalamat (tip).  Habang pabalik ang staff namin ay tumawag ulit ang aming client at sinabing bilib siya sa staff namin dahil tinanggihan nito ang tip na P 1,000.00 at sinabing "trabaho po mam ang ginawa ko kaya ok lang po na service fee lang ang bayaran ninyo. Hangad poi namin ang maagap na paggaling ng anak po niyo".  Our client ended in saying, kung hindi dahil sa inyo hindi ko na alam kung anong mangyayari sa anak ko."


 Isang ordinaryong pick up and deliver errand pero lingid sa aming kaalaman ito pala ay isang request na makakapagdugtong ng buhay para sa isang bago at hindi namn kilalang kliyente.  Isang pagtatanto na kahit ano pa mang request ito basta sasamahan namin ng pagmamalasakit at pagmamahal sa trabaho magkakaroon ito ng magandangimpact at resulta sa bawat kliyente namin makakasalamuha. Salamat po sa patuloy na pagtitiwala!