PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

THE DREAM WEDDING

.

Last February 2009  nabigla kami sa isang email na natanggap.  Isang Jordanian-Australian national ang gustong mag avail ng aming services. Nagbrowse daw siya sa internet at naghahanap ng paraan kung paano niya aayusin ang papeles ng kanyang beloved Girl Friend na Pilipina. He stumbled in one of our  ERRAND ADS  at yun, nag inquire how can he avail our services.  Ikinuwento niya sa amin ang kanyang love interest sa isang  Filipina from an island City in Mindanao.  Then kamakailan lang eh nagdecide na raw sila magpakasal ng GF niya but she wants first na i-tour sa Kuwait ang kanyang GF para makita niya ang bansa kung saan na siya ngayon naka base as a Bank IT Consultant.  But the problem eh wala kahit isang papeles ang girl and hindi nila alam kung paano mag ayos ng mga papers.  The Jordanian inquired kung possible daw ba na ang  errand request eh samahan daw  namin ang GF niya sa Maynila para mag ayos ng papers kasi nga daw hindi masyadong familiar ang GF niya sa Maynila.  Sabi niya "She had been there pero not that familiar",  he cares so much daw talaga sa safety ng kanyang GF. 


We approved his request. We arranged the flight of  her GF to Manila , booked her in a very good hotel  and for one week we assisted her sa lahat ng kanyang kailangan.  The client even asked us to buy flowers for her GF upon arrival sa airport (pagsundo ng Pakisuyo) and buy her bouquet of white orchids everyday for one week which amazed her GF dahil sa sobrang thoughtful at romantic ng kanyang foreigner bf.


 After one week we completed the documents and her GF went back to Mindanao  while waiting for the release of her stamped VISA. In less than 10 days, we again arranged her flight pabalik sa Maynila then  assisted her in her flight going to Kuwait to meet the parents of his BF.  After completing the service we all thought that it's the last time that we will be of service to this lovable couple.  Mid of June   2009 when our  client again emailed us  with an invitation  to attend their wedding to be held in  the Philippines, sa lugar ng GF niya on the 1st week of July, 2009. Ikinuwento nila sa amin na pinag-uusapan na nila ang kasal sa Philippines including their honeymoon. Kinukuha kaming principal sponsor dahil kung hindi daw dahil sa Pakisuyo Center baka hindi nakapunta yung GF niya sa Kuwait and meet his parents - baka di sila magpagpakasal.  They also requested us na hanapan namin sila ng magandang venue for their honeymoon... which we gladly did for them. 


End of June they emailed to us all other errands tulad ng pagsundo sa kanila sa  international airport ,  pagpapabook sa Hotel at paghatid ulit sa airport pauwi ng Mindanao.


When they arrived in Manila, pinasalubungan lahat ang aming staff. Pinasalamatan kami ng marami and treated us to a great dinner at Claire dela Fuente restaurant along Macapagal avenue. The Jordanian National tried to research kung ano ang Filipino culture sa pagpapakasal. He learned na close family ties pala talaga ang mg Pinoy and importante sa kanila ang pamilya during their most awaited wedding ceremonies.  Namroblema siya dahil napakalayo ng family members niya at lahat ay abala sa kanikanilang mga trabaho at pamilya.  Because of this, kinausap niya kaming mag asawa. Ininvite niya kaming mag attend sa kasal bilang primary sponsors which we said yes.....pero dinagdagan pa niyaang kanyang request.  Dahil daw kami ang kaunaunahang Pamiya na naging malapit sa kanya at nakikita niya na kami ay may takot sa Diyos at maayos na tao ay hiniling niya that we act as his foster parent.  Meaning, gusto niya na kaming mag asawa ang sumama sa kanya sa altar habang namamartsa at kasama niya kami sa kanyang kasal na tatayong magulang niya.  We were surprised kasi napakalaking pagtitiwala ang kanyang ibinibigay sa amin.  Dahil dito ay umoo kami...much to our surprise, kinabukasan ay ipinadala na kaagad niya sa opisina namin ang aming round trip ticket, formal invitation at They requested us to join tang lahat ng instructions kung anong van ang sasalubong sa amin sa Cagayan de Oro at magdadala sa amin sa Iligan City at kung anong hotel ang aming tutuluyan ng tatlong araw.  All expense paid!


So last July 6,  2009 , we witnessed and joined our clients most awaited event... their GARDEN WEDDING tsaka sila nagdecide na magpakasal. Isang pag iibigan na masasabing bunga ng tiyaga at pagtitiwala.Sa kanilang lugar, tinagurian itong wedding of the year...at mababakas mo sa kanilang mga mukha ang tindi ng pagmamahalan dahil napakaraming luha ng kaligayahan ang aming nasaksihan sa dalawang nag isang dibdib.


They flew back together to  Kuwait last July 16 and when they left , our client promised that he will help us build our network in the middle east and true enough, 10 days after he arrived in Kuwait - he was able to refer to our Pakisuyo Travel & Tours 4 of his peers who wants to tour at least 4 major tourist spots in  the Phils including the world's known St. Paul Subterreanean Park or our  popular UNDERGROUND RIVER in Puerto Princesa, Palawan..the rest is history.  They are now our family friends at sa bawat oras na kailangan nila ng advise o suporta sa kanilang pagsasama o pangangailangan sa Pilipinas ay kami sa Pakisuyo ang nagsisilbi nilang assistant..   Ito ang aming maituturing na the best Pakisuyo na aming experience dahil dito namin nakita kung paano namaximize ang services ng Pakisuyo Center mula sa pagiging alalay, sa pag complete ng kanilang documents, pagiging instant foster parent, pagiging kaibigan at kapamilya ng mga lahing di namin malubos maisip na puwede palang mangyari!