PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

FAQ

AUTHENTICATION

  1. Ano po ang tinatawag na RED RIBBON?

    Ang RED RIBBON ay literal na tawag sa ribbon na kulay pula na idinidikit o ikinakabit sa lahat ng na authenticate na documents mula sa DFA. Ito ang magpapatunay na na authenticate o na validate na ng DFA ang inyong mga papel o dokumento. Ito ang magpapatunay na dumaan sa DFA ang inyong mga papeles. 

  2. May expiration po ba ang RED RIBBON?

    Yes.  meron pong validity period ang AUTHENTICATION ng DFA.  Ito ay valid po lamang ng isang taon.  Kung ito ay expired na uulitin ang processo ng inyong mga documents mula sa simula.

  3. DFA lang po ba ang nag a-authenticate?

    Ang RED RIBBON po ay sa DFA lamang pero ang authentication ay ginagawa din ng NSO, CHED, DEPED, RTC, LTO etc.  Ang authentication po ay ang pagpapatunay na ang inyong mga papeles ay genuine hindi "fake".  Bago po ito pupunta sa final RED RIBBONING ay dumadaan muna ang inyong mga documents sa iba't ibang mga government offices para ma authenticate kung tama nga po ba ang mga nakalagay dun o hindi o meron ba talagang ganung document o wala.  Kapag nakalagpas na sa iba't ibang ahensiya tsaka lamang ito pupunta sa DFA para ma RED RIBBON na.

  4. Ano po ang CAV na tinatawag para sa TOR & Diploma?

    Ang CAV po ay acroym para sa CERTIFICATION, AUTHENTICATION & VALIDATION. Ito ang pagpapa validate ng mga shool credentials sa School o University , sa Division Office (kung ito ay Elementary) at sa Regional Deped of Regional CHED. Ang pagpapa CAV ay ang panimulang proseso para ito mapa authenitcate sa DFA. Ginagawa ito para mapatunayan na ang School Credential na hawak mo ay tunay at tama.

  5. Bakit hindi ko pangalan ang nasa Red Ribbon ?

    Ang pangalan ng may ari ng doucment ay nasa bandang ilalim at ang pangalan na nakalagay sa bandang itaas ay ang pangalan ng signatory ng ipania authenticate mo na document.   Ibig sabihin nito  - ay ang pagpapatibay na ang signatory na ito ay legal at tama dahil naka submit sa DFA ang specimen signature ng authorized na pumipirma at nag aapprove para sa release ng ganung mga documents.

  6. Pag nagpa red ribbon (DFA) ng NSO birth Certificate kailangan pa ba ng Local Civil Registrar Copy ng BIrth Certificate namin?

    Kung ang inyong NSO Certificate ay non readable o may mga malalabong parte o parang bura - hihingan ka ng DFA ng kopya ng iyong LCR birth certificate para makita kung ano talaga ang mga tamang detalye. mas maganda na pag nagpa red ribbon ay i attach kaagad ang LCR copy para hindi na pabalik balik sa DFA.

  7. Ipinanganak sa ibang bansa ang anak ko at na register ko naman ang birth niya sa Consular Office pero bakit walang records sa NSO? Ano ang dapat kong gawin?

    Kunin mo ang trasmittal number ng ginawa mong registration sa Embassy kung saan mo iniregister ang bata . Ibigay sa Pakisuyo Centera ng transmittal number at reference nos para ma follow up sa DFA Consular Office. Ang mga record minsan ay hindi na eendorse sa NSO kaagad. Pag na kuha ang detalye ay ibibigay sa NSO para malocate nila yung registration papers. 

Back to top