PAKISUYO CENTER

Your 1st One Stop Online Errand Solution Center in the Philippines

A M I L Y A R

.

Last May 2010 - Isang email inquiry  ang aming natanggap galing ulit sa US, bandang California naman. Isang Pinay Nurse na nasa US na ng halos isang dekada ang nagtanogn kung kami daw ay puwedeng magbayad ng amilyar ng kanyang lupa na binili sa siang subdivision sa Dasmarinas, Cavite.  We responded positively.  Yun pala nabili niya ang halos 500 sq meters na lupa nung unang vacation niya from the US kasi gusto niyang may makitang property mula sa kanyang pinaghirapan.  Ang problema ay hindi na siya ulit nakauwi dahil sa pagkabusy sa kanyang work  sa US.  Ibinigay niya a amin ang papeles at binayaran namin sa City Hall ng Dasmarinas.  Nagulat kami kasi simula pala nung kanyang binili ay ngayon palang nabayaran ang amilyar.


Pagkabayad ay iniscan namin ang kanyang amilyar payment at akala namin ay dun na magtatapos ang aming serbisyo.  Isang email ulit ang aming natanggap asking if we can do another errand. Gusto niyang kunan namin ng picture ang kanyang property para naman daw alam niya kung kumusta na ang kapaligiran ng kanyang property.  What we did eh kinunan namin ang lahat ng anggulo kasama na ang improvement sa lugar and emailed this to her.  Nagulat ako dahil pagkatanggap niya nung result ng errand request niya ay isang errand ulit nag kanyang ipinagawa. Maghanap daw kami ng gagawa ng bakod niya at padalhan daw namin siya ng design ng bakod at total quotation.  The next is history.... isang kliyente na naman ang aming nabigyan ng kasiyahan para maisakatuparan ang mga gawaing nais niyang gawin pero hindi niya magawa. At dahil sa Pakisuyo - nagawa din niya ito.